« mga naiisip ni maya | Main | maya pa »

October 22, 2006

si maya pa rin

Alam mo kaya kita nilagay sa libro, para i-immortalize ka. Ikaw at ang mga alaala mo sa isip ko. Posible raw ang immortality sa alinman sa ganitong paraan:

 

  1. magtanim      ng puno
  2. mag-anak
  3. magsulat      ng libro

 

Kaya ikaw, isinusulat ko sa libro.

 

Nagsusulat ako ng mga bagay na pinakamalapit sa puso ko. Kasi ‘yon ang mga alam na alam ko. Nagsusulat din ako tungkol sa mga bagay na hindi nagkaroon ng katapusan. Ng mga bagay na walang closure. Kasi iniisip ko, pag naisatitik ko na ang tunay na nararamdaman ko, maipa-process ko ito. Mawawala sa dibdib ko. Magiging malaya ako. Ito pala’y isa lamang sa mga lesson na matututuhan ko sa buhay sa pamamagitan ng pagsusulat. May mga bagay na hindi mo kayang pakawalan kahit ano pang gawin mo. Kahit pa ipagtabuyan mo. Kasi minsan me hibla ng isip mo ang siya mismong nakakapit sa mga bagay na ito.

 

Paano ‘yan? Wala na talaga akong kawala sa mga bagay na basta na lang nawala at di nagpaalam sa akin at hanggang ngayo’y kinakasama ko pa ng loob ang pagkawala nila?

 

Nakakaiyak naman. Totoo kasi.

 

-Maya

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .